^

Bansa

NDFP consultant binaril habang tulog sa bus

James Relativo - Philstar.com
NDFP consultant binaril habang tulog sa bus
Natutulog si Felix Randy Malayao sa bus nang barilin alas dos y media, Miyerkules.
Facebook/Felx Randy P. Malayao

MANILA, Philippines — Patay sa tama ng baril ang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Felix Randy Malayao matapos paputukan sa bus sa Aritao, Nueva Vizcaya kaninang madaling araw.

Sa ulat ng alternative media outfit na Kodao Productions, sinabing natutulog si Malayao nang barilin alas dos y media, Miyerkules. Agad namang namatay ang biktima.

Huminto ang sasakyan sa isang bus stop nang akyatin ng suspek.

"We know who is responsible for my brother’s death: the one who ordered them (communists) all killed,” ani Perla, kapatid ni Malayao sa panayam ng Kodao habang tinutukoy ang Pangulong Rodrigo Duterte.

(Alam namin kung sino ang responsable sa pagkamatay ng kapatid ko: 'yung nagpapapatay sa lahat ng mga komunista.)

Agad naman itong umani ng pagkundena mula sa iba't ibang sektor. Aniya, may kinalaman sa kanyang pulitikal na gawain ang pagpatay.

"The death of Malayao is a case of extrajudicial killing done by suspected state forces gone berserk. We see no other motive and possible perpetrator. His death is clearly linked to his involvement in the peace talks and his other advocacies as a social activist. We demand justice for Randy," ayon sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan sa Facebook.

(Ang pagpatay kay Malayao ay kaso ng extrajudicial killing ng pinaghihinalaang ahente ng estado. Malinaw na may kinalaman sa paglahok niya sa usaping pangkapayapaan at pagiging aktibista ito. Nananawagan kami ng katarungan para kay Randy.)

Bago putulin ni Digong ang usaping pangkapayapaan sa NDFP, lumahok si Malayao sa formal peace negotiations sa Europa bilang consultant mula sa Cagayan Valley.

Kasama si Malayao sa mga holder ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na nagsisiguro sa kaligtasan ng mga consultants ng NDFP na lumalahok sa usaping pangkapayapaan. Gayunpaman, marami sa mga consultant ang ikinulong sa mga nagdaang panahon gaya nina Adelberto Silva, Vic Ladlad, Rey Casambre at Rafael Baylosis. 

Dating campus journo, political prisoner

Nagtapos ng Bachelor of Science in Fisheries, naging aktibo si Malayao sa pulitika at pagsusulat sa UP Visayas-Miag-ao sa Iloilo.

Doon ay naging punong patnugot siya ng kanilang student publication na "Ang Mangingisda."

"The trend of political killings and arrests of NDF consultants for the past years proves the outrageous insincerity of the Duterte administration in pursuing peace," ayon sa College Editors Guild of the Philippines.

(Ang sunod-sunod na pagpatay at pag-aresto sa mga NDF consultant sa mga nakaraang taon ay tanda ng kawalang sinseridad ng administrasyong Duterte para sa kapayapaan.)

Dating vice president for the Visayas ng CEGP si Malayao.

Ipiniit noong 2008 sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, dinukot at nakaranas ng torture diumano si Malayao sabi ng pahayag ng CEGP.

Pinakawalan siya nang mapawalang-sala mula sa mga kaso matapos lumagi ng apat na taon sa mga kulungan ng Cagayan at Isabela.

Kaiba sa mga ibang NDFP consultants, walang criminal charges na nakahain sa kanya sa mga korte ng gobyerno.

Miyembro rin siya Beta Sigma fraternity.

Epekto sa peace process

Nang tanungin kung makaaapekto ito sa pag-asang matuloy ang usaping pangkapayapaan, sinabi ng chairperson ng NDFP peace negotiating panel na si Fidel Agcaoili na pag-aaralan pa raw nila ito. 

“We will have to assess the situation very carefully before making any firm decision,” tugon niya.

(Kailangan pa naming tasahin ang sitwasyon nang maigi bago gumawa ng anumang desisyon.)

Inalala ni Agcaoili si Malayao bilang kasamang walang pagod na pinaglingkuran ang sambayanan — laging handang irepresenta ang NDFP sa mga forum, seminar at konsultasyon.

Ikinagulat naman ng dating NDFP peace panel chair Luis Jalandoni at asawang si Coni Ledesma, miyembro rin ng panel, ang balita.

"It was a shock to learn of the killing of Ka Randy Malayao. I am overwhelmed with grief and outrage," ani Ledesma.

(Nakagugulat malaman na pinatay si Ka Randy Malayao. Napupuno ako ng dalamhati at galit.)

Mahusay aniya magsalita, magsulat, at kumanta ang pumanaw na rebolusyonaryo. 

"He will be sorely missed. His inspiration will live on in the hearts of so many whose lives he touched. Ka Randy, we turn our grief into revolutionary courage!" dagdag ni Jalandoni.

(Mami-miss namin siya. Ang kanyang inspirasyon ay mabubuhay sa puso ng napakarami niyang nakasalamuha. Ka Randy, gagawin naming rebolusyonaryong tapang ang nadaramang pagluluksa!)

CPP-NPA-NDF

EXTRA JUDICIAL KILLING

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

PEACE TALKS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with