Pinas kulang na ng construction workers
MANILA, Philippines — Maging ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte ay apektado ng kakulangan ng construction workers sa Pilipinas na mas piniling magtrabaho sa abroad kaysa maghanap ng trabaho sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may 6 na buwan na siyang naghahanap ng karpintero at welder upang magkumpuni ng kanyang nasirang gate.
Lumilitaw na mas maraming construction workers na Pinoy ang piniling mag-abroad upang magtrabaho dahil sa mas mataas na suweldo.
Dumagsa naman sa bansa ang mga Chinese construction workers na silang gumagawa sa mga proyektong ang China ang nag-pondo partikular ang ilang mga tulay sa Metro Manila.
Dahil dito, pinakikilos ng Malacañang ang TESDA para magpatupad ng mga dagdag na programa na magbibigay ng sapat na training sa ating mga kababayan sa larangan ng construction.
Aniya, ito ay upang maiwasan na rin na sa mga Chinese national ibigay ang mga trabahong kaya namang gawin ng mga manggagawang Pinoy.
- Latest