^

Bansa

Ride-hailing app para sa mga tricycle ilulunsad

Philstar.com
Ride-hailing app para sa mga tricycle ilulunsad
Makikita sa litrato ang mga lumikha ng app na sina Angelo Cagulada Jr. at Ernest Jay Cubillas habang ipinapakita ang Transeek mobile app.
Facebook/DOST.Caraga

MANILA, Philippines — Narinig niyo na ang ride-hailing apps para sa mga kotse at motorsiklo, pero alam niyo bang meron na 'rin para sa mga "trike"?

Isang team na binubuo ng estudyante ng information systems at mga instruktor mula sa Caraga State University ang nagsama-sama para likhain ang "Transeek" — isang mobile application na layong pataasin ang kita ng mga tricycle drivers habang ginagawang mas maginhawa ang commute sa Butuan City, Mindanao.

Ayon kay Angelito Cagulada Jr., IS student at team leader ng proyekto, nagmula ang ideya mula sa karanasan ng mga kaibigan bilang commuter sa lungsod. 

Mahirap daw kasi maghintay ng tricycle sa tuwing dis oras ng gabi. Maliban dito, plano nitong masolusyunan ang problema ng "mapipiling" drivers at paniningil nang labis tuwing gabi.

Hango sa mga katagang "transportation seek," layon ng Traseek na makagawa ng paraan para ma-book ang pinakamalalapit na tricycle sa pasahero. Tulad ng apps na Grab at Angkas, gagamit ito ng internet connection at Global Positioning System mula sa mga smartphone.

Nakatakdang ilabas ang Transeek ngayong taon.

Sinimulan ng developers na sina Cagulada at IT instructors na sina Ernest Jay Cubillas at Lemar Arnego ang proyekto noong nakaraang taon habang naka-enrol sa Navigatú, isang Technology Business Incubation hub na pinondohan ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Reseach and Development (DOST-PCIEERD).

Nito lamang, nilaanan ang proyekto ng P2 milyon mula sa mamumuhunan para sa full operation nito.

"We are now on the second round of deliberation with investors and partners, and hopefully we can operate by April or March,” ayon sa Cagulada.

(Nasa ikalawang yugto na kami ng deliberasyon kasama ang mga mamumuhunan at partners, at umaasa kaming masisimulan ito sa Abril o Marso.)

Pag-aangat ng kabuhayan

Batay sa feasibility study na isinagawa sa 100 tsuper ng tricyle sa Butuan, nakita ng grupo na kaya nilang pataasin nang 300 porsyento ang kita ng mga drivers.

Sa kasalukuyan, umaabot lang sa P400 hanggang P500 ang kinikita nila sa araw-araw.

Papatak sa P30 ang plano nilang panimulan pasahe ng Transeek na maaaring magsakay ng hanggang tatlong pasahero.

Mababawasan din daw ito pagkaantala ng mga byahe at pagtambay ng mga tsuper sa lungsod.

“We have interviewed drivers during ‘toda’ meetings and most of them liked Transeek since they don’t have to waste time roaming around to look for passengers,” ayon kay Cubillas.

(Nakapanayam namin ang mga driver sa kanilang "toda" meetings at karamihan sa kanila nagustuhan ang Transeek kasi hindi na sila magsasayang ng oras magpaikot-ikot kahahanap ng pasahero.)

Mangangailangan ding kumuha ng insurance ang mga magmamaneho.

Nagpasalamat naman ang team sa Navigatú para sa programa, pasilidad at network na ibinigay sa pagpapaunlad at marketing ng app.

“Because of Navigatú, we were exposed to ideation, pitching and marketing activities we never had in classrooms. It helped improve my potentials for business,” dagdag ni Cagulada.

(Dahil sa Navigatú, na-expose kami sa mga pamamaraan ng paglikha ng kosepto, sa pitching, at marketing activities na hindi namin nakuha sa silid-aralan. Napaunlad nito ang potensyal ko sa pagnenegosyo.)

Kasama ang Transeek team sa unang batch ng "incubatees" kasama ang anim na iba pa na nagde-develop ng local IT solutions para sa agrikultura, at micro, small at medium enterprises. 

“Before, we just make IT systems because we like it. Now, it’s more on solving problems or helping improve lives,” ani Cubillas.

(Dati, gumagawa lang kami ng IT systems kasi gusto namin. Ngayon, sumasagot na kami ng suliranin o nagpapaunlad ng buhay.)

Nakatakdang lumabas ang app para sa mga Android smartphone. – James Relativo

BUTUAN CITY

COMMUTING

RIDE-HAILING APP

TNVS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with