^

Bansa

Isabela City ayaw pumaloob sa BARMM

Philstar.com
Isabela City ayaw pumaloob sa BARMM
Hinahanap ng ilang kababaihang muslam ang kanilang mga pangalan sa isang presinto sa Maguindanao para sa plebisitong raratipika sa pagpasa ng Bansamoro Organic Law (BOL).
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Hindi pumayag ang mga residente ng Isabela City sa probinsya ng Basilan na mapasama sa Bangsamoro Autonomous Regin in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang nangyaring botohan noong Lunes.

Sa official at final canvassing ng plebisito kahapon, nakita na 22,411 ang bumoto ng "no" habang 19,032 naman ang bumoto ng "yes" sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Kumuha naman na raw si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ng mga abogado para kwestyonin ang resulta ng plebisito dahil sa diumano'y pandaraya at mga iregularidad.

Inireklamo ni Sayadi ang mga kaibahan sa vote tally at sinabing kailangang maayos ito ng Commission on Elections. 

Marami raw sa mga botante ang tinakot at pinilit ng ilang grupong pabor sa BOL.

Naantala ng dalawang araw ang canvassing sa Isabela City, Basilan kung saan naging mainit ang botohan.

Ito na ang ikatlong beses na tumangi ang Isabela, dating kabisera ng Basilan, na magng bahagi ng autonomous region sa Mindanao – una noong hindi ito pumayag maging bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong 1989, at ikalawa noong 2001, isang buwan bago ito maging lungsod nang tumanggi itong mapaloob sa pinalaking ARMM.

Ikinatuwa naman ni Vice Mayor Cherrylyn Akbar ang pagrespeto sa kanilang desisyon na hindi maging kabahagi ng BARMM.

Sinabi ni Akbar na isasalalay nila ang Isabela sa pambansang pamahalaan.

Nasa ilalim ng administrative jurisdiction ng Zamboanga Peninsula ang nasabing lungsod.

“We are not having worries that Isabela City will be left behind considering that we are part of the Republic of the Philippines and (we have) a president who is very supportive of our undertakings,” ayon kay Akhbar.

Gayunpaman, maaari pa raw magbago ang kanilang posisyon kung makitang maganda ang kalabasan ng BARMM.

“If we can see that BARMM is really good then maybe if there will be another plebiscite and there is no problem if they will accept us in the BARMM. Right now there are still doubts and what we want is (for the mind and hearts of the people to be respected)," wika niya.

Canvassing bukas na

Inusog ng Comelec ang pag-canvass ng mga balota para sa BOL bukas.

Ayon kay Consuelo Diola, kalihim National Plebiscite Board of Canvassers, ipinagpaliban nila ang canvassing dahil hindi pa natatanggap ng board ang mga balota noong ala-una y media kahapon.

Nakuha ng NPBOC ang unang certificate of canvass mula sa Cotabato ng 4:48 ng hapon na dinalo ng acting election officer ng lungsod na si Romel Rama.

Nagtala ng pinakamababang voter turnout ang Cotabato ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa 54.22 porsyento. Sa mga probinsya, Sulu ang may pinakamababa na nakakuha ng 80.2 porsyento.

Bagama't natapos ang canvassing ng boto sa Cotabato, nakitaan ito ng discrepancy sa datos kahapon.

Nakita ang discrepancy sa bilang ng mga nakarehistrong botante at bilang ng mga bumoto sa Cotabato City.

Siniguro naman ni Jimenez na kayang maayos ang error habang nagaganap ang national canvass nang hindi naaapektuhan ang resulta ng plebisito.

Magsasagawa naman ng isa pang referendum ang Comelec sa ika-6 ng Pebrero sa 28 barangay sa Lanao del Norte kung manaig ang "yes" vote sa plebisito noong Lunes.

Idineklara naman ng Palasyo na non-working holiday sa Lanao del Norte at ilang parte ng North Cotabato ang ika-6 ng Pebrero.

Sakop ng deklarasyon ang Lanao del Norte maliban sa Iligan city at mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigkayawan at Tulunan sa North Cotabato. 

Nanawagan naman ang Malacañang na kilalanin ang resulta ng plebisito sa Cotabato. Aniya, kinakailangang sumunod ng publiko sa napagkaisahan ng karamihan.

“Consistent with the position of the President for the ratification of the BOL, we are pleased that the ‘yes’ vote has prevailed in Cotabato city, based on the complete but unofficial tally of the Comelec,” sabi ni Panelo.

Aabot sa 3,209 ang itatalagang pulis sa Lanao del Norte at North Cotabato sa ika-6 ng Pebrero.

Pagtutuunan naman daw ng pansin ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang probinsya, lalo na ang Lanao del Norte, na critical area sa midterm elections sa Mayo ayon kay police chief Director General Oscar Albayalde.

Transisyon patungong BARMM

Paggugugulan ng P62 bilyon ang BARMM ngayong 2019, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kahapon.

Pinuri naman ni Sen. Aquilino Pimentel III ang Comelec at PNP sa mapayapang plebisito ng BOL.

Siniguro naman ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na magiging swabe ang transisyon ng ARMM patungong BARM kung mararatipikahan ang BOL.

Sinabi ni Hataman na makikipagpulong siya sa mga oisyales ng Bangsamoro Transition Authority.

Sa ihahain panukalang batas ni Maguindanao Rep. Sandra Sema, nais niyang pangalanan ang Cotabato City bilang kabisera ng BARMM.

Nagpasalamat naman si Moro Islamic Liberation Front chairperson Al Haj Murad Ebrahim sa mga botante sa ratipikasyon ng BOL.

Iginiit naman ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na walang naitalang kaguluhan sa kanyang probinsya noong botohan. – James Relativo

AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

BANGSAMORO ORGANIC LAW

COTABATO CITY

ISABELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with