Road Board fund, ilagay sa railways rehab - Tolentino

Iginiit ni Tolentino ang pangangailangan na magkaroon ng maasahan na mass transport system para matugunan ang masikip na trapiko sa Metro Manila.

MANILA, Philippines — ?Inirekomenda ni dating Presidential Adviser for Political Affairs at dating MMDA Chairman Atty. Francis N. Tolentino ang paglipat ng pondo ng binuwag na Road Board sa pondo na ginagamit pangsuporta sa improvement at rehabilitasyon ng mga railways sa bansa. ?

Iginiit ni Tolentino ang pangangailangan na magkaroon ng maasahan na mass transport system para matugunan ang masikip na trapiko sa Metro Manila. 

“A mass transportation system that will be economical and efficient for the riding public will not only address our traffic problems but will similarly benefit the common Filipino using public transport as a means to mobilize himself,” ayon kay Tolentino. 

Sinabi ni Tolentino na ang pinagbuting railways system ay kayang magdala ng tao, goods at mas mabilis. 

Ang mga bansa sa Europa, China, India, Russia at Japan, railways ay binibigyan ng subsidy ng gobyerno para mapanatili ang operasyon nito. 

?Inihalimbawa pa ni Tolentino sa Germany na pinaglalaanan ng gobyerno ng $17 bilyon Euros ang railways bilang ambag sa German public transport system.

Ito na umano ang tamang panahon para muling buhayin ang mga riles ng tren dahil sa paglago ng ekonomiya.

Show comments