^

Bansa

Medical marijuana lusot

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Medical marijuana lusot
Nakasaad sa panukala na maaaring makabili ng marijuana ang mga kuwalipikadong pasyente na bibigyan ng identification card.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Medical marijuana bill o ang legal na paggamit ng marijuana bilang gamot.

Sa pamamagitan ng viva voce voting o palakasan ng boses, inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 6517 na iniakda ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III.

Nakasaad sa panukala na maaaring makabili ng marijuana ang mga kuwalipikadong pasyente na bibigyan ng  identification card.

Para matukoy kung kwalipikado ang pasyente, kailangan munang may pagpapatunay ang isang doctor na may malubhang karamdaman ang pasyente na nangangailangan ng marijuana sa gamutan.

Nakasaad din na magtatayo ng Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facilities.

Ang DOH ang pangunahing ahensiya na manga­ngasiwa sa pamamahagi ng medical cannabis, katuwang ang Food and Drug Administration.

Ipapaubaya naman sa PDEA ang pagbabantay at pagtitiyak na wasto ang ibibigay na medical marijuana sa mga pagamutan.

MEDICAL MARIJUANA BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with