‘Negrense solon iluklok sa Senado’
MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga tagasuporta ni dating Interior and Local Government secretary Rafael “Raffy” Alunan III sa mga Negrense na panahon na upang mag-upo muli sila ng kinatawan sa Senado makalipas ang halos anim na dekada.
Ayon kay Wina Montepio Hernandez, co-founder ng grupong FORMA (Friends Of Raffy M. Alunan), matagal-tagal na rin buhat nang magkaroon ng senador na mula sa isla ng Negros kaya siguro naman ay napapanahon na upang muling magkaroon ng kinatawan ang Negros sa Senado.
Sinabi ng FORMA na nasa 58-taon na umano na walang sumabak na Negrense sa halalan sa pagka-Senador, napapanahon na umano para maipakita ng isla ang kahusayan ng mga naninirahan sa Negros Islands.
Matatandaan na ginulat ni Alunan ang marami nang maghain siya ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) noong Oktubre 2018 matapos ang mahigit na 20-taon na pagpapahinga sa pulitika.
“Nais kong isulong ang bagong pulitika na nakatutok hindi sa personalidad o sa angkang kinaaaniban ng mga kandidato kundi sa kakayahang makapaglingkod sa bayan batay sa track record at plataporma de gobyerno,” sabi ni Alunan.
- Latest