^

Bansa

Pagbasura sa estafa vs Okada kinatigan ng DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagbasura sa estafa vs Okada kinatigan ng DOJ
Sa kanyang 10 pahinang desisyon, sinabi ni Assistant State Prosecutor Alejandro Daguiso na nabigo ang Tiger Resort, Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) na pa­tunayang may kutsa­bahan sa pagitan nina Okada, Kengo Takeda, Tetsuya Yokota at Aruze Philippines Manufacturing Inc.

MANILA, Philippines — Kinatigan ng Department of Justice ang pagbasura sa kasong estafa laban kay casino magnate Kazuo Okada at ilang kasama nito kaugnay sa supply ng light-emitting diode (LED) strips para sa Okada Manila.

Sa kanyang 10 pahinang desisyon, sinabi ni Assistant State Prosecutor Alejandro Daguiso na nabigo ang Tiger Resort, Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) na pa­tunayang may kutsa­bahan sa pagitan nina Okada, Kengo Takeda, Tetsuya Yokota at Aruze Philippines Manufacturing Inc.

Ayon sa DOJ, bumase lang ang reklamo ng TRLEI sa mga pahayag ni Chief Executive Adviser Dindo Espeleta na malapit sa isa’t-isa ang mga kinasuhan at hindi tinukoy ang anumang pag-uusap sa pagitan nila habang isinasagawa ang negosasyon para sa paggawad ng Supply Agreement.

Bukod pa rito, sinabi ng DOJ na depektibo ang reklamo ng TRLEI dahil nabigo itong iprisinta ang mga resibo bilang ebidensiya kabilang ang pag-deliver ng LED strips o sa bayad dito.

DEPARTMENT OF JUSTICE

KAZUO OKADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with