Passport data ligtas — DFA
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ligtas ang datos ng mga passport holders na naunang ibinalitang naitakas.
'Yan ang siniguro ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato sa National Privacy Commission sa pulong nila tungkol sa passport data ngayong araw.
DFA asec Elmer Cato briefs the media on meeting with NPC re passport data, says they assured NPC that data is safe and intact @News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/WSzg2QjEGO
— Bim Santos (@josebimbosantos) January 21, 2019
"We were able to satisfy the commission with our assurances (Nagawa naming makumbinsi ang komisyon sa pamamagitan ng aming pagtitiyak)," ayon sa DFA Asec.
Matatandaang binigyan ng NPC ang DFA ng limang araw noong nakaraang linggo para tapusin ang imbestigasyon sa gusot sa mga pasaporte.
Nagsimula ang isyu matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itinakas daw ng French contractor na Francois-Charles Oberthur Fiduciare ang mga datos ng passport holders, dahilan para ikatakot ng marami ang isang "data breach."
Bagama't hindi pinangalanan ni Locsin ang Oberthur, sinabi ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. na ito ang tinutukoy ng Foreign Affairs secretary.
Sa kanyang tweet Martes noong nakaraang linggo, kumabig naman si Locsin at sinabing hindi maaaring itakbo ang datos at ginawa lang "inaccessible."
Data is not run-away-able but made inaccessible. Access denied. But APO assured me they were able to access but not much use and parts corrupted. APO agrees with me that old passports are best evidence of identity and join me in despising those who don't agree with me. https://t.co/ln6blIwbIB
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) January 15, 2019
"The DFA has been continually taking steps to improve the system (Patuloy na gumagawa ng hakbang ang DFA para paunlarin ang sistema)," dagdag ni DFA Asec. Cato kanina.
- Latest