MANILA, Philippines — Isinailalim sa signal no. 1 ang 13 lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Amang.
Sa pinakahuling update ng PAGASA, itinaas ang signal no. 1 sa mga lugar sa Visayas tulad ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Bohol at Northern Cebu.
Habang sa Mindanao naman ay sa Agusan del Sur, Agusan, del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands at Camiguin.
Nagpaalala ang PAGASA na maaaring makaranas ng moderate to heavy rain ang Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Davao Oriental, Compostela Valley, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Negros Provinces, Northern Cebu, at Bohol.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA ang sentro ni Amang ay nasa 235 kilometers ng east-southest ng Surigao City, Surigao del Norte at nanatili sa lakas na 45 kph at may bugso na hanggang 60 kph.