Walang meningo outbreak - DOH
MANILA, Philippines – Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko sa meningococcemia sa bansa matapos kumalat ang fake news sa social media na may outbreak kung saan namatay ang isang 2 taong gulang na bata sa Valenzuela City.
Gayunman, iniimbestigahan ng DOH ang kaso kung saan kinakitaan umano ng mga sintomas ng sakit ang biktima.
Sinabi ng DOH na kinokolekta nila ang mga laboratory specimens at hinihintay nila ang resulta ng pagsusuri.
Naglaan din ang DOH ng post-exposure prophylaxis sa mga indibidwal na nakasama o nakasalamuha ng biktima kabilang na ang lagnat, pag-ubo, rashes at pagsusuka.
Una nang sinabi ng Valenzuela City hall na negatibo sa meningococcemia ang biktima.
- Latest