MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan si Catanduanes Governor Joseph Cua dahil sa kasong “abuse of authority, dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the interest of public service.”
Sa isang media forum sa Quezon City, sinabi ni Rey Mendez na marami sa kanilang mga kababayan sa Catanduanes ang malugod na nagpapasalamat sa Ombudsman at ikinatuwa ang ipinataw na suspension sa kanilang gobernador.
Aniya, marahil ay nakakita ng “probable cause” ang Office of the Deputy Ombudsman for Luzon kaya pinatawan nila ng suspension si Gov. Cua na ipinatupad naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinai ni Mendez na, sa susunod na mga araw ay magpapa-file pa siya ng karagdagan kaso ng graft and corruption laban kay Gov. Cua bunsod umano ng mga bagong anomalya na natuklasan sa tanggapan ng gobernador.
Una nang inimbestigahan si Gov. Cua ng Congressional committee on dangerous drugs noong 2017 dahil sa nabunyag na operasyon ng isang “mega-shabu laboratory” sa Virac, Cantanduanes. )