VAT exemption sa gamot sa cancer itinutulak ng DoH

Sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, may clamor ang mga cancer patients na dapat ay maging VAT exempt din ang mga gamot sa cancer.

MANILA, Philippines — Isusulong ng Department of Health (DoH) ang VAT exemption sa mga gamot sa cancer matapos ipatupad ang VAT exemption sa ilang maintenance medicines.

Sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, may clamor ang mga cancer patients na dapat ay maging VAT exempt din ang mga gamot sa cancer.

Ayon kay Domingo, pinag-uusapan na ngayon ito at pinag-aaralan na ng inter-agency working group kasama ang iba’t ibang NGO.

Aniya, malakas ang panawagan ng nabanggit na grupo ng mga pasyente kaya’t gumagawa na sila ng kaukulang hakbang upang isunod naman ang VAT exemption sa cancer medicines.

Limitado lamang sa ilalim ng TRAIN law ang pagbibigay ng libreng buwis sa mga maintenance medicine para sa sakit na hypertension, diabetes at high cholesterol.

Bukod sa cancer medicines ay mayroon ding panawagan na VAT exemption sa gamot para sa mga nagda-dialysis pero binigyan muna ng mas prayoridad ang everyday maintenance medicines.

Show comments