UPD chancellor umalma sa 'red baiting' ng PNP sa UP, PUP

Kuha kay UP Diliman chancellor Michael Tan noong 2016.
Facebook/University of the Philippines

MANILA, Philippines — Pinalagan ni University of the Philippines (UP) Diliman Chancellor Michael Tan ang diumano'y "red baiting" na ginawa ng Philippine National Police sa mga ginagawang immersion ng mga estudyante ng UP at Polytechnic University of the Philippines.

"This is why red-baiting tactics always alarm us. Besides causing distress to students and their parents, we worry about how the red baiting impact on soldiers and police, especially in rural areas," ayon sa pahayag ni Tan sa Facebook.

Iprinesenta ng Philippine National Police noong ika-14 ng Enero ang ilang nagpakilalang dating rebelde na nagsasabing pinupuntahan sila ng mga estudyante ng UP at PUP. Aniya, pine-pwersa raw ang mga estudyante na sumapi sa New People's Army.

"[Bibisita sila] Mga isang gabi pagkatapos bumababa na rin po sila kinabukasan," ayon sa isang Ka Ruben.

Inilinaw ni Tan na dumadaan sa proseso ang anumang academic activity na naglalabas sa mga estudyante.

"I want to emphasize that in UP Diliman, any out of classroom activity from visits to museums to OJT (on-the-job training) to immersion activities (usually as part of the mandatory NSTP or National Service Training Program) and field research — to be cleared with our Office of Field Activities," dagdag ni Tan.

Aniya, kinakailangang magsumite ng komprehensibong pagsasalarawan sa isasagawang aktibidad tulad ng detalye ng faculty supervision, kung saan sila pupunta, sinu-sino ang mga estudyante, waivers (para sa mga menor de edad), at certificate of physical fitness kung kinakailangan. Marami raw rekisitos para masigurong ligtas ang mga estudyante't guro.

Gayunpaman, kinikilala ng pamunuan ng UP ang kahalagahan ng paglabas sa silid-aralan upang matuto.

"At the same time, we recognize that our students' education must go beyond the narrow confines of our classrooms, or campuses. Whatever academic degree they might be pursuing, our students need to explore and appreciate the world outside of UP and to develop their competencies, linked to social realities," dagdag ng chancellor.

'Harassment' sa mga gumagawa ng field work

Itinala naman ng opisyal ng UP may dalawang insidente ng panggigipit ng mga militar sa mga estudyanteng nagsasagawa ng mga pag-aaral sa probinsya noong 2018.

"In May last year, researchers from our College of Science's Institute of Biology were harassed by an Army Segeant while they were doing field work in Palanan, Isabela."

Ayon kay Tan, tinakot daw ng sarhento ang mga researchers at sinabing mga rebelde sila dahil galing ng UP.

Noong Disyembre, isang PhD student rin daw ng linguistics ang hinaras ng militar at sumailalim sa interogasyon. Ineksamin din daw ang mga dalang notebook ng estudyante at pinilit na siya'y rebeldeng komunista.

Agad naman daw namagitan dito ang mga opisyal ng UP at si Rep. Ann K. Hofer.

"...she was doing research on one of the languages in Zamboanga Sibugay," sabi ni Tan.

Idiniin ni Tan na delikado ang mga "red scare tactics" dahil napapatapang diumano nito ang mga pulis at sundalo na manakot at manakit ng mga estudyante, researchers at faculty. Napapalala lang din daw ng pagmomonitor sa mga miyembre ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang sitwasyon.

"Let us allow UP's researchers to further enrich our knowledge about our country's history, languages, arts and culture, ecosystems, flora and fauna, without fear of harassment."

Kahapon, nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante sa iba't ibang panig ng bansa para kundinahin ang mga diumano'y maniobra ng gobyerno upang takutin ang mga estudyante, lalo na 'yung mga kritiko ng gobyerno.

Show comments