Absentee voters may 3 araw para makaboto

Ito ang binigyan diin ng Commission on Elections (Comelec) kung saan maaaring bumoto mula Abril 29 hanggang Mayo 1 ang mga government officials, militar, pulis at media practioners na inaasahang naka-duty sa May 13 elections.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May tatlong araw ang mga local absentee vo­ters (LAV) na bumoto para sa midterm elections.

Ito ang binigyan diin ng Commission on Elections (Comelec) kung saan maaaring bumoto mula Abril 29 hanggang Mayo 1 ang mga government officials, militar, pulis at media practioners na inaasahang naka-duty sa May 13 elections.

Batay umano sa Co­melec Resolution 10443, pinapayagan ang mga botante na ma­ka­boto ng maaga ng senators at party-list organizations.

Kailangan lamang na mag-fill up ng application form hanggang Marso 11, 2019 ang mga nagnanais  na  bumoto ng maaga.

Itatalaga ng mga heads of offices, supervisors, commanders o officers hanggang Abril 9 ang mga itatalagang lugar na pagbobotohan ng mga government officials, employees gayundin ang mga sundalo at pulis.

Para sa mga miyem­bro ng media, maaa­ring bumoto kung saan naghain ng kanilang LAV applications o sa Office of the Regional Election Director-NCR.

Kung sa mga probinsiya, maaaring bumoto sa Office of the City Election Officer (OCEO) at Office of the Provincial Election Supervisor (OPES).

Show comments