Absentee voters may 3 araw para makaboto
MANILA, Philippines — May tatlong araw ang mga local absentee voters (LAV) na bumoto para sa midterm elections.
Ito ang binigyan diin ng Commission on Elections (Comelec) kung saan maaaring bumoto mula Abril 29 hanggang Mayo 1 ang mga government officials, militar, pulis at media practioners na inaasahang naka-duty sa May 13 elections.
Batay umano sa Comelec Resolution 10443, pinapayagan ang mga botante na makaboto ng maaga ng senators at party-list organizations.
Kailangan lamang na mag-fill up ng application form hanggang Marso 11, 2019 ang mga nagnanais na bumoto ng maaga.
Itatalaga ng mga heads of offices, supervisors, commanders o officers hanggang Abril 9 ang mga itatalagang lugar na pagbobotohan ng mga government officials, employees gayundin ang mga sundalo at pulis.
Para sa mga miyembro ng media, maaaring bumoto kung saan naghain ng kanilang LAV applications o sa Office of the Regional Election Director-NCR.
Kung sa mga probinsiya, maaaring bumoto sa Office of the City Election Officer (OCEO) at Office of the Provincial Election Supervisor (OPES).
- Latest