^

Bansa

5 Pinoy seamen missing sa Hawaii

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
5 Pinoy seamen missing sa Hawaii
Ang lima ay kabilang sa 21 Pinoy crew members ng MV Sincerity Ace na inabandona ang Panamanian flagged vessel matapos itong lamunin ng apoy noong bisperas ng Bagong Taon sa northwest ng Oahu.
AFP

MANILA, Philippines — Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makikita pa ang limang Pinoy seafarers na nawawala matapos abandonahin ang nasusunog nilang cargo vessel sa Hawaii dalawang linggo na ang nakalilipas. 

Ang lima ay kabilang sa 21 Pinoy crew members ng MV Sincerity Ace na inabandona ang Panamanian flagged vessel matapos itong lamunin ng apoy noong bisperas ng Bagong Taon sa northwest ng Oahu. 

Ayon sa DFA Office of Migrant Workers Affairs, nagpadala na ng tugboat ang manning ship agency para hanapin ang limang Pinoy crew. 

Samantala, na-rescue ang 16 pang Pinoy ng US Coast Guard at iba pang dumaan na barko at karamihan sa kanila ay nakauwi na sa Pilipinas. 

Ang Sincerity Ace ay may rutang Hawaii mula Japan na may kargang 3,500 mga bagong sasakyan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PINOY SEAFARERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with