Free college ‘di apektado ng reenacted budget - Bam

Siniguro ito ni Bam kasunod ng pangamba ng ilang ahensiya ng pamahalaan na apektado umano sila ng pagkabalam ng 2019 budget at posibleng reenacted budget.

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Bam Aquino na hindi apektado ng reenacted budget ang implementasyon ng iniakda niyang libreng kolehiyo sa buong bansa. 

Ayon kay Sen Bam, walang dapat ipangamba ang mga estudyante at mga magulang dahil tiniyak ng Kongreso na may pondo ang libreng kolehiyo, kahit sa ilalim pa ng reenacted budget ngayong taon.

Siniguro ito ni Bam kasunod ng pangamba ng ilang ahensiya ng pamahalaan na apektado umano sila ng pagkabalam ng 2019 budget at posibleng reenacted budget.

“Dahil tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng libreng kolehiyo, makatutulong ito para kayanin ng mahihirap na pamilyang Pilipino ang pasanin ng mataas na presyo ng bilihin,” sabi pa ni Sen. Bam na principal sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Nauna nang nanawagan si Bam sa gobyerno na ipatupad ang free college law sa 2019 na walang gagastusin ang estudyante mula matrikula, mandatory fees at mga miscellaneous.

Maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagbigay rin ng katiyakan na maglalabas sila ng memorandum na magbabawal sa mga state universities and colleges (SUCs) na maningil ng mandatory fees.

Show comments