Graft vs Loren pinabibilisan

Ito ang panawagan sa Office of the Ombudsman ng grupong Malayang Lipunan Inc. ukol sa isinampang graft at administrative case laban kay Sen. Loren Legarda.

MANILA, Philippines — Dapat aksyunan agad!”

Ito ang panawagan sa Office of the Ombudsman ng grupong Malayang Lipunan Inc. ukol sa isinampang graft at administrative case laban kay Sen. Loren Legarda.

“Nararapat nang wakasan ang paggamit ng kapangyarihan ng mga pulitiko para lamang sa sariling kapakinabangan,” pahayag ni Art Fontanilla, pangulo ng Malayang Lipunan Inc. 

Nag-ugat ang kaso sa isinampang reklamo ng beteranong mamamahayag na si Junex Doronio dahil sa pakikialam umano ni Legarda sa House of Representatives ukol sa aplikasyon para sa isang tinawag na “super-franchise” ng Solar Para Sa Bayan Corp. na pagmamay-ari ng anak ng senadora.

Nanghihimasok din umano si Legarda sa DPWH upang mai-reinstate at maipa-appoint bilang district engineer ng Antique District Engineering Office ang isang inhinyero na nauna nang ipinadismis sa serbisyo ng Ombudsman.

“Bilang senador at chairman ng Senate Committee on Finance, lubhang napaka-makapangyarihan ni Sen. Legarda na nangingilag sa kanya ang mga kalihim ng iba’t ibang departamento, mga House Representatives at ma­ging kapwa mga senador dahil malaki ang papel niya para harangin ang anumang budget na hindi niya nakukursunadahan kahit pa nga maaaring lubhang importante ito para sa taumbayan,” pahayag ni Fontanilla. “Yan mismong kapangyarihang iyan ang siyang naaabuso.”

“Hindi kami titigil sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan,” ayon pa kay Fontanilla.

Show comments