MANILA, Philippines — Nagsimula nang maglakbay ang imahe ng Itim na Nazareno patungong Quiapo Church sa Maynila ngayong umaga.
Inilabas na mula sa Quirino Grandstand sa Rizal park ang imahe ni Hesu Kristo pasado alas-singko para sa buong araw na prusisyon kung saan milyun-milyong deboto ang magtatangkang humawak sa rebulto habang naglalakad ng nakayapak.
Pinangalanang “Hinirang at Pinili Upang Maging Lingkod Niya” ang tema ng event ngayong taon.
Tinatayang limang milyong deboto ang sasama sa traslacion na babaybay sa 6.1-kilometrong ruta, ayon sa mga opisyal ng Quiapo Church.
Umabot na sa 1,030,000 ang mga sumali sa prusisyon bandang alas-nuebe ng umaga ayon kay Sen. Richard Gordon, Philippine Red Cross chairman. Dagdag niya, nakapagbigay na ng tulong medikal ang PRC sa 478 na katao.
Ayon sa mga ulat, dumaan na rin ang imahe ng Itim na Nazareno sa Manila City Hall.
Pinaniniwalaan na milagroso ang imahe at kayang makapagpagaling ng mga may sakit.
Related video: