^

Bansa

Traslacion ng Poong Nazareno umarangkada na

Philstar.com
Traslacion ng Poong Nazareno umarangkada na
Pagdagsa ng tao sa Quirino Grandstand para lumahok sa traslacion ng Itim na Nazareno.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagsimula nang maglakbay ang imahe ng Itim na Nazareno patungong Quiapo Church sa Maynila ngayong umaga.

Inilabas na mula sa Quirino Grandstand sa Rizal park ang imahe ni Hesu Kristo pasado alas-singko para sa buong araw na prusisyon kung saan milyun-milyong deboto ang magtatangkang humawak sa rebulto habang naglalakad ng nakayapak.

Pinangalanang “Hinirang at Pinili Upang Maging Lingkod Niya” ang tema ng event ngayong taon.

Tinatayang limang milyong deboto ang sasama sa traslacion na babaybay sa 6.1-kilometrong ruta, ayon sa mga opisyal ng Quiapo Church.

Umabot na sa 1,030,000 ang mga sumali sa prusisyon bandang alas-nuebe ng umaga ayon kay Sen. Richard Gordon, Philippine Red Cross chairman. Dagdag niya, nakapagbigay na ng tulong medikal ang PRC sa 478 na katao.

Ayon sa mga ulat, dumaan na rin ang imahe ng Itim na Nazareno sa Manila City Hall.

Pinaniniwalaan na milagroso ang imahe at kayang makapagpagaling ng mga may sakit.

Related video:

vuukle comment

BLACK NAZARENE

PAHALIK

QUIRINO GRAND STAND

TRASLACION 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with