^

Bansa

Excise tax sa alak, yosi aprub kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Excise tax sa alak, yosi aprub kay Digong
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, gagamitin ang naturang dagdag kita ng gobyerno upang matustusan ang libreng pagpapagamot ng lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong batas tungkol sa Universal Health Care program.
Philippe Huguen/AFP

MANILA, Philippines — May go signal na ni Pangulong Duterte ang dagdag na excise tax para sa nakalalasing na inumin at sigarilyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, gagamitin ang naturang dagdag kita ng gobyerno upang matustusan ang libreng pagpapagamot ng lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong batas tungkol sa Universal Health Care program.

Wika ni Panelo, maaari rin itong ituring na isang public health measure ng pamahalaan upang magkaroon ng malaking kabawasan sa datos ng mga namamatay dahil sa labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Batay sa House Bill 8677, papalo ang buwis sa P37.50 kada pakete ng sigarilyo simula July 2019 mula sa P32.50 kada pakete.

P2.50 kada taon ang idadagdag pang buwis hanggang 2022 habang 22 percent na ad valorem tax sa net retail price ng alcohol product bukod sa specific tax na P30 kada litro.

EXCISE TAX

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with