P47-B gagamitin sa Manila Bay rehab

Sinabi ni Budget Sec.Benjamin Diokno nagprisinta si DENR Sec. Roy Cimatu tungkol sa problema ng polusyon ng Manila Bay na tumatagal na ng dekada.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inutos na ni Pangulong Duterte ang paglilinis  ng Manila Bay at inaprubahan din ang malaking pondo para rito.

Sinabi ni Budget Sec.Benjamin Diokno nagprisinta si DENR Sec. Roy Cimatu tungkol sa problema ng polusyon ng Manila Bay na tumatagal na ng dekada.

Ayon kay Diokno, pumayag ang Pangulo na gamitan ng P47 billion ang pitong taong rehabilitasyon ng Manila Bay na gagamitin para sa paglilinis ng baybayin, estero at paglilipat ng mga informal settlers.

Kukunin ang pondo sa special road funds o road users tax sa sandaling mabuwag na ang Road Board.

Show comments