STL ugat ng Batocabe slay?

Ito ang tinuran ng isang opisyal ng pamahalaan na nagsabing ilang makapangyarihang mga tao ang nagalit kay Batocabe dahil sa mga pagbatikos at isinagawa nitong imbestigasyon sa STL particular sa nawalang bilyun-bilyong pisong kita sa bahagi ng gobyerno.
Cet Dematera

MANILA, Philippines — Hindi lang pulitikal kundi maiuugat din ang pagkakapaslang kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe sa mga iringan sa operasyon ng Small Town Lottery sa rehiyon ng Bicol.

Ito ang tinuran ng isang opisyal ng pamahalaan na nagsabing ilang makapangyarihang mga tao ang nagalit kay Batocabe dahil sa mga pagbatikos at isinagawa nitong imbestigasyon sa STL particular sa nawalang bilyun-bilyong pisong kita sa bahagi ng gobyerno.

Sinabi pa ng opisyal na, isang araw bago nagtungo sa Bicol si Batocabe, binisita nito ang isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office at nag-usap sila sa mga sensitibong bagay. Binaril at napatay ang kongresista habang namimigay ng mga pamasko sa Daraga, Albay noong Disyembre 22.

“Ang pagligpit kay Batocabe ay tulad ng killing two birds in one stone- napatumba mo ang isang tao na nagsisiyasat sa mga kalokohan sa STL operation sa lalawigan at napatay ang isang potensiyal na alkalde na ayaw makisayaw sa tugtog,” sabi pa ng impormante.

Idinagdag niya na isang provincial government official ang tunay umanong utak sa pamamaslang at isang willing accomplish umano si Daraga Mayor Carlwyn Baldo dahil makikinabang ito sa pagkamatay ni Batocabe.

Samantala, itinuro ng ebidensya si Baldo makaraang mag-matched ang mga narekober na  bala sa baril na gi­namit ng triggerman sa pagpatay kay Batocabe at police escort nito sa Daraga.

 Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Chief P/Director Oscar Albayalde na lalong nadiin sa krimen si Baldo dahil bukod sa extra judicial confession ng anim na suspek na nasa kustodya ng pulisya ay nag-matched pa ang 11 basyo at 5 slugs ng cal 40 sa cal 40 na ginamit sa krimen.

Unang inamin ng triggerman na si Henry Yuzon, dating miyembro ng New People’s Army, na  siya ang pangunahing bumaril kay Batocabe.

Sinabi ni Albayalde na patunay lamang ito na hindi nagsisinungaling si Yuzon, confidential security ni Mayor Baldo,  sa pag-amin nito na siya ang triggerman sa nasabing pamamaril at pagkakapatay  sa Kongresista.

Related video:

Show comments