^

Bansa

Biktima ng paputok bumaba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Biktima ng paputok bumaba

MANILA, Philippines — Bumaba ng 68 por­syento o katumbas ng 139 kaso ang bilang ng mga nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na isa itong kasaysayan sa record ng mga pagdiriwang tuwing Bagong Taon dahil ito na ang pinakamala­king pagbagsak ng mga firecracker-related injuries sa mga nakalipas na taon.

Noong 2018 ay naka­pagtala ang DOH ng 428 kaso.

Ayon kay Duque, po­sib­leng nagpababa raw sa bilang ng mga naputukan ang pag-ulan noong mga nakalipas na araw hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon, gayundin ang Executive Order No. 28 ni Pangulong Duterte na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok.

Gayunman, maaari pa rin naman aniya itong madagdagan dahil sa mga naaantala pang ulat na dumarating sa DOH.

Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng pagkasugat sa papu­tok ang National Capital Region, 53;  Western Visayas, 26; Central Visayas, 13; Central Luzon at CALABARZON na may tig-10 kaso.

Nagmula aniya ang pagkasugat dahil sa paggamit ng kwitis, 30 kaso; piccolo, 15 kaso; lusis, 8; at triangle at five star na may tig-7 kaso.

Samantala, isang malusog na sanggol ang kauna-unahang isinilang sa Jose Fabella Memorial Hospital pagsapit ng 2019.

Sa report, eksaktong ala1:05 ng madaling araw nang isilang ni Lenie Felisilda Bonto, 31, ang kanyang baby girl na pinangalanang si Zairah.

Bandang alas-5 ng umaga humabol ang 12 pang buntis na nagsilang din ng malulusog nilang mga sanggol sa nasabing paanakang ospital sa unang araw ng 2019.

 

BUMABA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with