MANILA, Philippines — Pasado na sa ikalawang pagbasa ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang “Comprehensive Nuclear Regulation Act” (HB 8733) na magsusulong sa teknolohiya at paglago ng industriya.
Layunin nito ang paglikha ng Philippine Nuclear Regulatory Commission (PNRC) at pagtatag at pagtalaga ng makabuluhang balangkas at sistema ng nuclear sa bansa.
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda na siyang naghain ng HB 8733 sa Kamara, ang PNRC ay hiwalay na ‘nuclear regulatory body’ na tututok sa wasto at ligtas na paggamit sa ‘nuclear’ na yaman ng bansa, gaya ng sa China, South Korea, Japan, Australia, Singapore at iba pa.
Ipinaliwanag ni Salceda na magiging kapaki-pakinabang ang wasto at ligtas na paggamit ng sistemang ‘nuclear’ sa agrikultura, kalusugan at medisina, paglikha ng kuryente, industriya, ‘scientific research’ at edukasyon.