'Usman' halos 'di pa rin kumikilos

Ito rin ang nai-ulat na pattern ng paggalaw ng bagyo kaninang 2 p.m.
Facebook/PAGASA

MANILA, Philippines — Tinawag na "almost stationary" at "erratic" ng PAGASA ang Tropical Depression Usman sa inilabas na 5 p.m. weather bulletin.

Ito rin ang nai-ulat na pattern ng paggalaw ng bagyo kaninang 2 p.m.

Namataan ang mata ng bagyo 285 kilometro silagan ng Guian, Eastern Samar kaninang 5:00 p.m. Nagtataglay ito ng lakas na hanggang 55 kilometers per hour malapit sa gitna na may pabugso-bugsong hangin na 65kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Groups of Islands
  • southern Quezon
  • Marinduque
  • Romblon
  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • southern Occidental Mindoro
  • southern Oriental Mindoro

Visayas

  • Eastern Samar 
  • Northern Samar 
  • Samar
  • Biliran 
  • Leyte
  • Southern Leyte 
  • Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
  • Aklan
  • Capiz
  • Iloilo
  • Guimaras 
  • Antique 
  • Northern Negros Occidental 

Mindanao

  • Dinagat Islands

Magpapatuloy ang mga katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Kabikulan, Eastern Visayas at Quezon, habang makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Aurora, at natitirang bahagi ng CALABARZON at Visayas ngayong gabi.

Tinatayang tatama ang bagyo sa Eastern Samar mamayang gabi.

Show comments