MANILA, Philippines — Inilabas na ng Philippine National Police ang facial composite sketches ng dalawang suspek sa pagpaslang kay Rep. Rodel Batocabe (Ako Bicol party-list).
Tinukoy na nagmamaneho ng motorskilo ang isa sa mga lalaki sa sketch na tinatayang nasa 40-anyos.
Pinag-aaralan pa rin ng mga imbestigador ang partisipasyon ng isa pang pinaghihinalaang salarin sa naturang krimen.
Kamakailan ay dinagdagan ng P20 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuyang P30 milyon na naunang inilaan ng Ako Bicol party-list para sa mga makapagbibigay ng impormasyon na ikahuhuli ng mga suspek.
Si Batocabe ay nakatakdang kumandidato sa pagka-alkalde ng Daraga, Albay nang biglang tambangan habang papunta sa isang gift-giving program para sa mga senior citizens, Sabado ng ika-22 ng Disyembre.
Kasama sa mga napaslang ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.
Inirekomenda na ng pangulo na ilagay sa pangangalaga ng Commission on Elections ang Daraga dahil sa posibleng anggulo ng pulitika sa pagpatay.