Reward sa Batocabe slay P50M na
MANILA, Philippines — Itinaas sa P50 milyon ni Pangulong Duterte ang reward money para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa pumaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at sa police escort nito na si PO1 Orlando Diaz.
“There are leads according to the police. I’m not at liberty really to talk about it because it would be incomplete,” wika ng Pangulo matapos dalawin ang burol ng kongresista sa Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.
“So if I say politically motivated, it could be a politician, it could be the mayor, it could the governor, or a barangay captain. But my favorite name now is mayor. But I’m not saying who that mayor is,” dagdag pa ng Pangulo.
Hihilingin rin ng Pangulo na isailalim sa Comelec control ang Daraga sa darating na eleksyon matapos ang nangyari sa kongresista.
“All we have to do is to ask the Comelec to place you under Comelec control. Iyan ang problema diyan. And ‘yung carrying of firearms does not only apply here in Daraga or in Albay or Bicol, it applies to all places,” dagdag pa ng Pangulo.
Naniniwala ang maybahay ng kongresista na si Gerti na may kinalaman sa pulitika ang pagpatay sa kanyang mister at walang kinalaman ditto ang New People’s Army.
Tatakbo bilang alkalde ng Daraga si Rep. Batocabe sa darating na May 2019 elections kaya malakas ang paniniwala ng maybahay ng kongresista na may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang sa kanyang asawa.
Bumuo na ng special task force si PNP Chief Oscar Albayalde subalit natatakot ang mga saksi na lumantad.
- Latest