18 lugar sa E. Visayas signal no. 1 kay ‘Usman’
MANILA, Philippines — Labing walong lugar sa Eastern Visayas ang isinailalim na ng PAGASA sa signal no. 1.
Ito ay dahil inaasahang magla-landfall ngayong araw sa Eastern Samar ang bagyong Usman at posibleng umakyat sa Tropical storm category bago tumama sa kalupaan.
Kabilang sa isinailalim sa Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 ang mga lalawigan ng Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu kasama ang Camotes Islands, Aklan, Capiz, hilagang Iloilo at hilagang Negros Occidental at Dinagat Island.
Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong kanluran. Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.
- Latest