Mayon 2 beses nagbuga

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, unang pumutok ang bulkan dakong alas 8:17 ng umaga at umabot ng 600 metro ang taas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bagamat nanatili sa ilalim ng “moderate level of unrest”, dalawang beses nagbuga kahapon ng abo ang Bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, unang pumutok ang bulkan dakong alas 8:17 ng umaga at umabot ng 600 metro ang taas.

Dakong alas 8:28 naman ng umaga ng muling masundan ng pagbuga ng abo na umabot ng 200 metro.

Ang bulkan ay nanatili sa alert level 2 o moderate level of unrest.

Nagbabala naman ang DOST-Philvolcs sa publiko na maaaring magkaroon ng biglaang pagsabog, pagguho ng lava, pyroclastic density currents at ash falls ang bulkan at nagbabanta ito sa mga lugar na nasa malapit sa dalisdis ng Mayon.

Dahil dito kaya patuloy na ipinapatupad ang anim na kilometrong Permanent Danger Zone sa lugar.

Pinag-iingat din ang mga taong malapit sa danger areas at pinapayuhan na mag-ingat.

Show comments