^

Bansa

Websites na kritikal kay Duterte, 'down' kasabay ng CPP anniversary

James Relativo - Philstar.com
Websites na kritikal kay Duterte, 'down' kasabay ng CPP anniversary
Ang DDoS attack ay isang klase ng cyber-attack na ginagawa para maging "unavailable" ang isang network resource sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-"flood" ng requests sa isang target para ma-overload ang system.
Screenshot from www.bayan.ph

MANILA, Philippines — Sabay-sabay nakaranas ng distributed denial-of-service attack (DDoS attack) ang ilang websites na mga kilalang kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines.

Dahil dito, hindi mapasok ang websites ng CPP, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at alternative news organization na Bulatlat simula pa noong ika-26 ng Disyembre. Kabilang din sa mga na-"down" ay ang site ng Kodao Productions ngunit agad naman itong nakabalik online kagabi.

Ang DDoS attack ay isang klase ng cyber-attack na ginagawa para maging "unavailable" ang isang network resource sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-"flood" ng requests sa isang target para ma-overload ang system. Para sa mga nakararanas nito, hindi mapapasok ang kanilang website.

"Hindi ma-access ang site namin nitong nakaraang 24 oras. Tiningnan ko ito nang malamang na-down ang site ng Bulatlat," ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr. 

Aniya, hindi ito ang unang beses na naranasan nila ito.

"Earlier this year, nakaranas din kami ng pag-atake matapos maglunsad ng kampanya kontra-TRAIN," dagdag ni Reyes.

Matatandaang humarap sa sari-saring batikos ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) law na nilagdaan ng Pangulong Duterte dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng krudo, pagkain, inumin, at marami pang iba sa pamamatigan ng excise taxes kahit na hindi itinaas ang sahod ng mga minimum wage earners.  

Cyber-attack sa pamamahayag?

Hindi naman naging ligtas ang mga journo sa naturang pag-atake matapos tila targetin ang Bulatlat at Kodao.

"Ka-chat ko ang web host support namin kahapon at kanina. Ang sabi nila, large traffic daw at infected with malwares kaya nadeactivate ang site. Posibleng dahilan ang DDoS," ayon Ronalyn Olea, managing editor ng Bulatlat.

Naniniwala ang pahayagan na hindi malayong ginawa ito dahil sa paglalathala ng mga balitang hindi pabor sa gobyerno.

"Napakaposible nito lalo na't nangyari ang deactivation matapos [namin] ma-ilathala ang artikulo hinggil sa CPP at NPA [New People's Army]," dagdag ni Olea. 

Sa ilalim ng panunungkulan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tinawag na "enemies of the state" ang naturang alternative new site kasama ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa "Knowing The Enemy" powerpoint ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines noong 2005 na iprinesenta sa iba't ibang eskwelahan.

"Posibleng coordinated attack ang panibagong DDoS attack sa mga websites na may progresibong nilalaman. Atake ito sa malayang pamamahayag, at madalas ito sa pasistang panunungkulan ni Duterte," ayon kay Reyes.

Kahapon ay kinundena rin ng NUJP ang mga naturang maniobra sa kanilang Twitter account at tinawag itong "assault" sa malayang pamamahayag, kasabay ng pagtawag sa kanila bilang "CPP front organization" ng isang Mario Ludades na nailathala sa media. Dagdag nila, hindi nagkataon na itinaon ito sa anibersaryo ng CPP. 

"Naninindigan kami na ang mga 'alternative media' ay lehitimong parte ng Philippine media dahil sa pagpapalawig nila sa diskurso at mga isyung panlipunan at mahalagang bahagi ng lumalagong demokrasya," ayon sa NUJP na wikang Ingles. 

Hindi pa rin tumutugon ang Malacañang tungkol sa mga alegasyon hanggang sa ngayon.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BULATLAT

NUJP

PRESS FREEDOM

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with