^

Bansa

Mga saksi sa pagpatay kay Batocabe lumitaw

James Relativo - Philstar.com
Mga saksi sa pagpatay kay Batocabe lumitaw
Ayon sa hepe ng Daraga police na si Supt. Dennis Balla, positibong hakbang daw ito upang tuluyang maresolba ang pagpatay sa dalawa.
Facebook/Rodel M. Batocabe

MANILA, Philippines — Umabot sa anim na saksi ang lumantad at naglabas ng pahayag sa pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe (Ako Bicol party-list) at kanyang bodyguard na si SPO 1 Orlando Diaz.

Ayon sa hepe ng Daraga police na si Supt. Dennis Balla, positibong hakbang daw ito upang tuluyang maresolba ang pagpatay sa dalawa.

Mayroon na rin daw mga na-identify na "persons of interest" ang pulisya at ilang nakapila para kwestyonin pero hindi nabanggit ni Balla kung sino sila.

"Ikinatutuwa naming sabihin ng Philippine National Police na nakikipagtulungan na sa amin ang mga saksi sa pagpatay kay Batocabe at Diaz sa pagsisikap naming mapanagot ang mga may sala," sambit ni Balla sa Ingles sa isang press conference noong Lunes sa opisina ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ikinalulungkot naman daw ni Baldo ang mga haka-hakang siya ang nasa likod ng pagpatay sa mambabatas. 

Bagama't tinatanggap daw niya ang sisi na naganap ito sa kanilang lugar bilang alkalde, hindi raw niya matatanggap ang mga akusasyon na siya ang nagpatumba kay Batocabe.

Hinamon naman ni Baldo na sampahan siya ng kaso ng mga nag-aakusa sa kanya kung kaya nilang mapatunayan ito.

Nauna namang itinanggi ng National Democratic Front of the Philippines kahapon na walang kinalaman ang Communist Party of the Philippines at New People's Army sa karumaldumal na krimen.

Ilang suspek 'sinanay ng militar'

Ayon sa isang security official na tumangging pangalanan, sinanay ng militar ang ilang miyembro ng "gun-for-hire" group na ihinahanay bilang mga salarin sa krimen.

Aniya, sumailalim sa training ng Army Scout Rangers ang mga suspek. Hindi naman klinaro ng source kung ganap na naging sundalo ang mga personalidad. 

Ilang pulitiko na diumano ang naging kliyente ng naturang grupo.

Nanindigan naman ang Korte Suprema na aaksyunan nila ang paglobo ng namamatay na mga abobado sa bansa.

Natanggap na rin daw ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ng Integrated Bar of the Philippines na umuudyok sa hudikatura na protektahan ang kanilang mga miyembro gaya ni Batocabe.

"Hihilingin ng Korte Suprema ang concurrence ng korte para magpatupad ng independent investigation at dayalogo sa pagitan ng Bar at kapulisan," sabi ni Court Administrator Midas Marquez sa Ingles sa isang pahayag. 

Pinirmahan ng 78 abogado ang naturang online petition ng IBP. 

ALBAY

KILLING

RODEL BATOCABE

WITNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with