Tunay na diwa ng Pasko isapuso - Leni
MANILA, Philippines — Bagama’t ang Pasko ay araw para sa pamilya at kaibigan na magkasama-sama, ipinaalala ni Vice Pres. Leni Robredo sa publiko na isapuso ang tunay na diwa ng Pasko.
“We can find it in the story of ordinary people who did wonderful things during Christmas. One is Joseph who chose to take care of Mary and her baby. Mary humbly obeyed God’s command,” ani Robredo sa kanyang Christmas message.
Binanggit ng Bise Presidente na ang pagsirit ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatiling isa sa mga pasanin ng mga Pilipino ngayong kapaskuhan.
Umabot sa taas na 6.7 percent ang inflation noong Setyembre at bahagyang bumaba lamang sa 6 noong Nobyembre.
“Let us demonstrate our true Filipino identity: our smiles will not diminish and our love will not cool down. We will not lose to the challenges of the times,” dagdag nito.
Sa kabila ng galit at pagkapoot kailangang piliin nating Pilipino kung ano ang tama para sa mga nangangailangan, wika ni Robredo.
- Latest