^

Bansa

AFP tuloy ang pangliligaw sa masang Pinoy

James Relativo - Philstar.com
AFP tuloy ang pangliligaw sa masang Pinoy
Pinangalanan si Col. Patricio Ruben Amata bilang bagong assistant chief of staff of the Civil Military Operationbs unit, habang pamumunuan naman ni Col. Facundo Palafox IV ang CMO Regiment noong Biyernes.
Facebook/Philippine Army

MANILA, Philippines — Sa paniniwalang 'di magagapi ang rebelyon sa pamamagitan ng aksyong militar lang, ipagpapatuloy daw ng dalawang bagong opisyal ng Philippine Army ang panghahamig sa taumbayan sa pamamagitan ng iba't ibang programa.

Pinangalanan si Col. Patricio Ruben Amata bilang bagong assistant chief of staff of the Civil Military Operationbs unit, habang pamumunuan naman ni Col. Facundo Palafox IV ang CMO Regiment nitong Biyernes.

Ayon sa tagapagsalita ng hukbong sandatahan na si Lt. Col. Luie Villanueva, pangangasiwaan ni Amata ang CMO thurst at programs ng Philippines Army. Pinalitan ni Amata si Palafox, na siyang naging mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng CMO activities sa nakaraang dalawang taon.

Pinalitan naman ni Palafox si Col. Romeo Brawner Jr. na pinangalanan naman bilang kumander ng 103rd infantry Brigade sa Marawi kamakailan.

Tiwala naman si si Army Vice Commander Maj. Gen. Robert Arevalo sa magiging performance ng militar sa pagre-re-shuffle ng mga susing posisyon.

Bagama't naninindigan na hindi magdedeklara ng ceasefire ang kasundaluhan sa New People's Army, hiniling naman ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lt. gen. Benjamin Madrigal Jr. na maging mapayapa ang Pasko ng bawat Pilipino.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

INSURGENCY

PHILIPPINE MILITARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with