^

Bansa

CPP-NPA durugin, patayin! - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
CPP-NPA durugin, patayin! - Digong
Si Pangulong Duterte habang nagtatalumpati sa harap ng mga sundalo sa kanyang pagbisita sa 10th Infantry Division Headquarters sa Compostela Valley Province nitong Sabado.

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na wasakin at patayin ang lahat ng rebeldeng  Communist Party of the Philippines kabilang na ang legal fronts nito.

Inihayag ito ng Pangu­lo sa kanyang pagbista sa 10th Infantry Division (10ID) at Camp General Manuel T. Yan Sr. sa Barangay Tuboran, Mawab, Compostela Valley Pro­vince.

Sinabi ng Pangulo na sinisira ng kilusang komunista ang bansa at kapag hindi naagapan ay ang mga anak at apo ng mga sundalo na magiging sundalo rin ang papatayin ng mga ito.

Sinabi rin ng Pangulo sa mga sundalo na huwag matakot sa lahat ng laban dahil kung destiny mo nang mamatay ay wala na umano tayong magagawa.

Kailangan umanong masira ang mga komunista at mga Abu Sayaff dahil kanila ring sinisira ang mga Pilipino.

Wala aniyang ibang pakay ang mga komu­nista kundi pabagsakin ang gobyerno subalit hindi siya papayag na mangyari ito sa kanyang panahon.

At kung may nagtatanong umano kung sino ang nag-utos, ay ituro lamang umano ang Pangulo.

Hindi rin umano matatakot si Pangulong Duterte kung siya ay ipakukulong para sa mga mamamayan.

Samantala, muling ipinangako ng Pangulo na dadagdagan ang sahod ng mga sundalo.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with