Bahay ni Rep. Garbin pinasok

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:35 ng umaga ng pasukin ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ni Garbin sa Winsor St., Ridge View Subdivision, Brgy. Buragwis, Legaspi City.
facebook

MANILA, Philippines — Pinasok at pinagnakawan ang bahay ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin kahapon ng umaga sa Legaspi City, Albay.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:35 ng umaga ng pasukin ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ni Garbin sa Winsor St., Ridge View Subdivision, Brgy. Buragwis, Legaspi City.

Nadiskubre na dumaan sa maliit na bintana sa banyo na matatagpuan sa ikalawang palapag ng bahay ang suspek.

Nang makapasok na ay saka nilimas ang bag ni Garbin na naglalaman ng cash at cheke na nagkakahalaga ng P500,000, mga relo na 1 Rolex at dalawang piraso ng Patel Philippe.

Sinasabing wala sa bahay si Garbin dahil sinalubong nila ni House Majority leader Rolando Andaya Jr. si Speaker Gloria Arroyo sa airport na magtutungo sa burol ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Show comments