^

Bansa

PNP sa netizens: ‘Wag mag-post ng ‘ATM’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PNP sa netizens: ‘Wag mag-post ng ‘ATM’
Ayon kay Deputy Spokesperson Supt. Kimberly Malitas, maari namang i-delay muna ang pagpo-post sa mga social media tulad ng Facebook o Instagram ng mga “ATM” o At The Moment para mai­ngatan ang kanilang mga ari-arian na naiwan sa kanilang mga bahay.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasan ang pagpo-post sa social media habang nasa bakasyon ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Deputy Spokesperson Supt. Kimberly Malitas, maari namang i-delay muna ang pagpo-post sa mga social media tulad ng Facebook o Instagram ng mga “ATM” o At The Moment para mai­ngatan ang kanilang mga ari-arian na naiwan sa kanilang mga bahay.

Paliwanag ni Malitas, sa naturang post umano ay malalaman ng publiko na walang tao sa kanilang mga bahay.

Giit niya, dapat lagyan ng level of security ang paggamit ng social media at lagyan din ng privacy sa mga gagawin ngayong holiday bagamat panahon ng pagsasaya ay dapat pa rin isipin ang pamilya.

Pinayuhan din ni Malitas ang mga mahilig mag-live sa social media na limitahan lamang ang audience sa mga kaibigan na makakakita.

Nilinaw naman ng opis­yal na wala pa silang na­momonitor na robbery incident na nagmumula dahil sa pagpo-post sa social media kaya sa kabila nito ay nagpapaalala lang ang kapulisan sa mga netizens na doblehin ang pag-iingat at hindi nila nais na magdulot ng pagkaalarma para sa mga social media users.

ATM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with