Comelec walang holiday

Ito ang binigyan diin ng Comelec sa pag-asang matatapos nila agad ang mga kakailanganin sa pag-imprenta ng opisyal na balota, maging sa pagpapalabas ng official list ng mga kandidato bago matapos ang kasalukuyang taon.
File Photo

MANILA, Philippines — Wala umanong holiday ang mga empleyado at opisyal ng Commission on Elections.

Ito ang binigyan diin ng Comelec sa pag-asang matatapos nila agad ang mga kakailanganin sa pag-imprenta ng opisyal na balota, maging sa pagpapalabas ng official list ng mga kandidato bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sinabi nito na halos hindi na umuuwi sa kani-kanilang mga bahay ang kanilang mga empleyado lalo na ang mga nasa legal department upang maihabol ang mga kailangan sa 2019 midterm elections.

Inamin nito na ang nagpapatagal sa pagpapalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato ay ang mga pending cases at petitions ng mga kandidatong kanilang inilistang nuisance candidates at mga tinanggal nila sa listahan pagkatapos ng paghahain nila ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Aniya, kinakailangang sa lalong madaling panahon ay maipalabas na ang listahan upang makita ng mga botante.

Show comments