MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng suspensiyon ng pasok ang Korte Suprema sa lahat ng korte sa buong bansa sa ?December 26 at ?January 2.
Sa abiso ng Supreme Court-Public Information Office, layon ng suspensyon na mabigyang pagkakataon ang mga empleyado ng sangay ng hudikatura na maipagdiwang ng mas mahaba ang holiday season kasama ang kanilang pamilya.
Dahil dito, mahabang bakasyon ang naghihintay sa mga empleyado ng korte.
Ang ?Dec. 24 kasi na araw ng Lunes at ?Dec. 25 na araw ng Martes ay kapwa deklaradong holiday.
Una nang sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa gobyerno at mga public school sa ?January 2.