^

Bansa

Angkas kinampihan ng solons

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Angkas kinampihan ng solons
Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, umaasa sila na mare-realize ng Korte Suprema na ang pag-isyu ng TRO sa Angkas ay lubhang makakaapekto sa Filipino commuters lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan kung saan libu-libo ang commuters.

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng ilang kongresista ang ride-hailing apps na Angkas at ang kanilang rider-partners matapos na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) na pinapayagan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hulihin ang mga Angkas rider na may sakay na pasahero.

Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, umaasa sila na mare-realize ng Korte Suprema na ang pag-isyu ng TRO sa Angkas ay lubhang makakaapekto sa Filipino commuters lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan kung saan libu-libo ang commuters.

Isinusulong ni Castelo sa Kamara ang pag-regulate ng ride-hailing service dahil na rin sa ito ay affordable, reliable at safe mode of transportation at bunsod na rin sa maraming isyu ng mass transport sa bansa

Noong Hunyo, matapos ang congressional hearing ay nagbigay ng direktiba ang kongresista sa LTFRB at DOTr na isama ang motorcycle taxis sa kanilang dating Department of Order na mag-operate ang ride hailing apps subalit binalewala umano ito ng dalawang ahensiya.

Para naman kay Manila 5th district  Rep. Cristal Bagatsing, ang TRO ng Korte ay napipigilan ang may 25,000 motorcycle riders para sa disenteng pagkakakitaan at napagkaitan ang konbinyenteng transportasyon para sa mga mananakay.

Ganito rin ang pana­naw ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe dahil mawawalan ng mura at maasahan na transportas­yon ang publiko.

ANGKAS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with