^

Bansa

‘Maglagay ng Muslim sa Korte Suprema’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Maglagay ng Muslim sa Korte Suprema’
“Napakahalaga na ang susunod na maitatala­gang mahistrado sa Korte Suprema ay mulat din sa mga isyung dinaranas ng mga Pilipinong Muslim at may dunong na nahasa sa dekadang pakikipagtuos ng rehiyon sa mga sakuna at problema sa kapayapaan,” wika ng opposition senatorial candidate na si Gutoc.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Panahon na para mag­talaga si Pangulong Duterte ng ikalawang mahistradong Muslim sa Korte Suprema upang mabigyan ng boses at representasyon ang mga tubong Mindanao, ayon kay Marawi civic leader at peace-builder Samira Gutoc.

“Napakahalaga na ang susunod na maitatala­gang mahistrado sa Korte Suprema ay mulat din sa mga isyung dinaranas ng mga Pilipinong Muslim at may dunong na nahasa sa dekadang pakikipagtuos ng rehiyon sa mga sakuna at problema sa kapayapaan,” wika ng opposition senatorial candidate na si Gutoc.

Sa kasaysaysayan ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa, tanging si Abdulwahid Bidin ang nag-iisang Muslim na nakaupo sa naturang posisyon matapos siyang italaga ni da­ting Pangulong Corazon Aquino bilang Associate Justice noong 1987.

Umaasa naman si Gutoc na si Marawi City-born Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao na ang susunod na magiging miyembro ng SC kapalit ni Associate Justice Noel Tijam na magreretiro sa susunod na taon.

“Mindanao and the rights and welfare of its people have long been ignored and marginalized by the powers that be. Kaya’t marapat lamang na ma­bigyan ng pagkakataong makilahok sa paggawa ng mga desisyon at kasaysayan ang isang Muslim,” dagdag nito.

SAMIRA GUTOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with