DoT nagbigay-pugay kay Miss U Catriona Gray

Ayon kay Tourism Sec. Benadette Romulo-Puyat, naipakita ni Gray ang galing ng isang Filipina at naiwagayway nito sa lahat ang watawat para sa karangalan ng ating bansa.
AP Photo/Gemunu Amarasinghe

MANILA, Philippines — Binigyang pugay ng Department of Tourism (DoT) si Catriona Gray matapos nitong masungkit ang Miss Universe 2018 at makapag-ambag ng panibagong korona para sa Pilipinas.

Ayon kay Tourism Sec. Benadette Romulo-Puyat, naipakita ni Gray ang galing ng isang Filipina at naiwagayway nito sa lahat ang watawat para sa karangalan ng ating bansa.

Ikinokonsidera ng DoT na maging bahagi ang Pinay beauty queen para sa kampanya ng ating turismo.

Samantala, ilang senador naman ang planong magpasa ng resolusyon na magbibigay ng pagkilala kay Catriona.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kahanga-hanga ang ipinamalas na galing ng ating kababayan sa pagrampa, lalo na sa pagsagot sa mga tanong, na maging ang host na si Steve Harvey ay aminadong mahirap bigyan ng tugon.

Show comments