MANILA, Philippines – Nagdeklara na ang Malacañang ng work suspension o wala ng pasok sa gobyerno sa Enero 2, 2019.
Sa Memorandum Circular 54 na pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea, kabilang sa walang pasok sa Enero 2 ang mga nasa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Government Financial Institutions (GFIs), State Univerisites and Colleges (SUCs), local government units (LGUs) at iba pang sangay ng gobyerno.
Ito ay para mapahaba pa ang panahon ng mga Pilipinong makasama pa ang kanilang mga pamilya ngayong holiday season.
Ang dagdag na bakasyon ng mga kawani ng gobyerno ay kasunod na rin nang pagdedeklara ng Enero 1, New Year, araw ng Martes bilang regular holiday.
Nauna na ring idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Disyembre 31, Lunes kaya magiging long holiday ito na kakabit sa weekend.