^

Bansa

Government works sa Enero 2 sinuspinde ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara na ang Malacañang ng work suspension o wala ng pasok sa gobyerno sa Enero 2, 2019.

Sa Memorandum Circular 54 na pirmado ni Exe­cutive Sec. Salvador Medialdea, kabilang sa walang pasok sa Enero 2 ang mga nasa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Government Financial Institutions (GFIs), State Univerisites and Colleges (SUCs), local government units (LGUs) at iba pang sangay ng gobyerno.

Ito ay para mapahaba pa ang panahon ng mga Pilipinong makasama pa ang kanilang mga pamilya ngayong holiday season.

Ang dagdag na bakasyon ng mga kawani ng gobyerno ay kasunod na rin nang pagdedeklara ng Enero 1, New Year, araw ng Martes bilang regular holiday.

Nauna na ring idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Disyembre 31, Lunes kaya magi­ging long holiday ito na kakabit sa weekend.

PALASYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with