MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90-day suspension laban kay Samar Rep. Milagrosa Tan dahil sa kasong graft at malversation of public funds bunsod ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga gamot.
Sa resolusyon ng First Division, inatasan nila si Speaker Gloria Arroyo at DILG Sec. Eduardo Año na kaagad ipatupad ang suspensyon.
Bukod kay Tan, pinasususpinde rin ng 90-araw si provincial treasurer Bienvenido Sabanecio Jr., officer-in-charge ng provincial general service office Ariel Yboa at supply officer Georgina Abarina.
Base sa record, noong 2007 sinamantala umano ni Tan ang kanyang posisyon bilang provincial governor ng “willfully, unlawfully, at criminally” ay binili niya ang iba’t ibang uri ng gamot at dental supplies.