^

Bansa

Catriona Gray, Miss Universe 2018!

Pilipino Star Ngayon
Catriona Gray, Miss Universe 2018!
Si Catriona Gray matapos koronahang Miss Universe 2018.

MANILA, Philippines – Tinanghal na Miss Universe 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray sa katatapos na pageant sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand kahapon ng umaga.

Nasungkit ng 24-year-old Fil-Australian beauty ang pang-apat na Miss Universe crown ng Pilipinas matapos talunin ang 93 iba pang kandidata.

Sa swimsuit competition ay nakipagtalbugan si Catriona suot ang kanyang kulay pink outfit na sinaba­yan ng “slow mo” effect sa kanyang lava walk.

Habang sa evening gown ay suot ni Catriona ang makinang na red gown.

Nagbigay-daan ito para mapabilang si Catriona sa Top 5 at sumalang sa question and answer portion.

“I’m for the use (of marijuana) in the medical use but not so for recreational use because I think if people were to argue what about alcohol and cigarettes, well, everything is good but in moderation,” sagot ni Catriona sa tanong tungkol sa legalisasyon ng medical marijuana.

Nakipagsabayan pa ang Bicolana beauty hanggang sa Top 3 kung saan nag-showdown sila nina South Africa at Venezuela sa iisang katanungan kung ano ba ang pinakamahalagang aral na natutunan nila sa buhay at kung paano nila ito magagamit sa Miss Universe.

“I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is... it’s poor and very sad. And I’ve always taught myself to look for the beauty of it, to look for beauty in the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a Miss Universe, to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson. If I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their faces. Thank you,” ang winning answer ni Catriona.

Matapos nito ay tuluyang tinanghal bilang bagong Miss Universe si Gray, na siyang pinagpasahan ng korona ni 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa.

First runner-up naman si Tamaryn Green ng South Africa, habang second runner-up si Miss Venezuela Sthefany Gutiérrez.

Naging host sa Miss Universe 2018 ang kontrobersyal na si Steve Harvey kasama ang modelong si Ashley Graham bilang behind-the-scenes host, habang tampok ang special performance ng R&B singer na si Ne-Yo.

Noong nakaraang taon ay naibigay ng ating pambato ang Top 10 finish sa prestihiyosong pageant sa pamamagitan ni Rachel Peters, Fil-British model na tubong Camarines Sur.

Unang nakamit ng bansa ang Miss Universe crown noong 1969 sa pamamagitan ni Gloria Diaz na kinoronahan sa Florida, sinundan ni Margie Moran noong 1973 sa Greece, at matapos ang 42 taon bago nasundan sa pamamagitan ni Pia Wurtzbach noong 2015 sa Las Vegas.

Sa press conference matapos ang pageant, nagpasalamat si Gray sa lahat ng sumuporta sa kaniya.

Inamin din ni Gray na nagkaroon ng mga pagkakataon sa pageant na nagduda siya sa kaniyang sarili at nakaramdam siya ng pressure.

Kasama ni Catriona Gray sa Thailand na nagbunyi ang kanyang magulang at boyfriend na Filipino-German actor-model na si Clint Bondad.

Related video:

MISS UNIVERSE 2018

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with