Palasyo mas pabor sa Draft ng ConCom kaysa ng sa House

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa sila na makikinig ang Kongreso sa sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno at ikonsidera ang draft na binuo ng Concom.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig ng Malacañang na mas kinakatigan nito ang ipinasang draft federal constitution ng Consultative Committee (ConCom) kaysa ng sa ipinasang draft ng House of Representatives.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa sila na makikinig ang Kongreso sa sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno at ikonsidera ang  draft na binuo ng Concom.

Nauna rito, ipinasa ng House of Repsentatives ang sariling bersiyon ng draft federal constitution na agad nabatikos at tinawag ni Puno na “disaster” sa demokrasya.

Sa bersiyon ng Kamara, magkakaroon ng extension ang termino ng mga mambabatas at tinanggal din ang probisyon na magbabawal sa political dynasties.

Nauna nang nagbabala si Panelo na posibleng mismong ang mga mamamayan ang hindi tumanggap sa panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon dahil sa mga kuwestiyunableng probisyon na malayo sa ipinasa ng ConCom.

Sinabi rin ni Panelo na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na ikakampanya nito na hindi mapagtibay ang bagong Konstitusyon kung hindi ito naayon sa interes ng mga mamamayan.

Show comments