MANILA, Philippines — Sa isang pormal na turnover ceremony kahapon na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, opisyal nang naibalik kahapon sa Balangiga, Samar ang tatlong kampana ng simbahan nito na ninakaw ng mga sundalong Amerkano bilang war trophy may isang siglo na ang nakakalipas.
Ang mga kampana ay pormal na ibinalik sa simbahan sa central town ng Balangiga kung saan ang mga ito ay tinangay ng mga sundalong Amerikano bilang ganti sa sorpresang atake ng mga gerilya na pumatay sa kanilang 48 kasamahan noong Setyembre 28, 1901.
Bukod sa pangulo, dumalo rin sa seremonya sina United States Ambassador Sung Kim at local officials.
“Nakikisaya ako sa inyo,” sabi ni Duterte sa mga mamamayan ng Balangiga. (Wires)