Maynilad, Manila Water may taas singil sa Enero 2019
MANILA, Philippines — Tiyak na ang pagtaas ng singil sa tubig ng Maynilad Water at Manila Water epektibo Enero 2019.
Ito ay makaraang magbigay ng go-signal ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa dalawang water concessionaires na magpatupad ng water rate increase sa susunod na buwan dahil sa epekto ng palitan ng piso kontra dolyar.
Bunga nito, ang mga water consumers ng Manila Water ay makakaramdam ng rate hike na P0.64 centavos per cubic meter samantalang ang Maynilad ay may rate increase na P1.48 per cubic meter.
Nangangahulugan na ang bawat bahay na nakonsumo ng 10 cubic meters kada buwan ay may dagdag na bayarin na P3.34 sa kanilang Manila Water bill samantalang dagdag na P5.30 sa Maynilad consumers.
Nilinaw naman ng MWSS na oras na bumaba naman ang dollar exchange rate ay bababa rin ang singil sa tubig.
Naka depende umano sa palitan ng piso at dolyar ang presyuhan ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.
- Latest